Ano ang Hangul?
Hangul o Hangeul, ang alpabeto ng Korea ito rin ang alpabetong ginamit simula pa noon ika-15 siglo. Ito ay nabuo noon 1443 sa ilalim ni Haring Sejong ang dakila sa panahon ng Joseon Dynasty. Ngayun, ang alpabetong nabanggit ay opisyal na sa parehas na bansa, North at South Korean, maging sa Yanbian Korean Autonomous Prefecture and Changbai Korean Autonomous Country of China’s Jilin Province. Sa South Korean, Hangul ay pangunahing ginagamit sa pagsusulat sa lengwaheng Korean, ang paggamit ng Hanja ( Chinese characters ) bagama’t ginagamit parin ay madalang nalang, at dina gaanong ginagamit sa bandang 1990.
Bago muna natin talakayin ang pagsusulat gamit ang naturang alpabeto, atin munang tukuyin kung ano ang patinig at katinig.
Patinig - Sa articulatory phonetics, ang isang patinig ay isang tunog ng pagsasalita na nakalagay sa kumpletong o bahagyang pagsasara ng vocal tract. Halimbawa: p, b, t, c, k, j, etc.
Katinig- Sa mga bibig na wika, ang mga ponetikong ponetikal ay karaniwang bumubuo sa rurok (nucleus) ng marami sa lahat ng mga pantig, samantalang ang mga vowel ay bumubuo ng simula at (sa mga wika na mayroon sila) coda. Halimbawa: a, e, i, o, u.
Halina’t magsimula. Lingid sa kaalaman ng karamihan ang tungkol sa panuntunan sa pagsusulat ng Hangul at ito iyun:
Panuntunan #1: Ang isang pantig ay dapat magsimula sa katinig.
Panuntunan #2: Ang isang pantig ay dapat mayroong kahit isang patinig lang.
Panuntunan #3: Kapag ang patinig ay vertical ( patayo ) dapat ito ay isusulat sa kanan ng katinig. Ngunit kapag ang patinig naman ay horizontal ( pahiga ) dapat ito ay isulat sa ilalim ng katinig.
Panuntunan #4: Ang ikalawang katinig ay dapat ng isulat sa ilalim ng unang katinig at patinig.
Ngayun ibibigay ko muna yung mga patinig:
ㅏ - binibigkas bilang /a/, gaya sa "/a/pple"
ㅔ -binibigkas bilang /e/, gaya sa "/e/gg"
ㅣ - binibigkas bilang /i/, gaya sa "/i/nclimate"
ㅗ - binibigkas bilang /o/, gaya sa "/o/ctagon"
ㅜ - binibigkas bilang /u/, gaya sa "/u/ltra"
ㅐ - binibigkas bilang /ae/, hindi sya "a-e" kundi "ey". Magkaiba sila ng
ㅡ - binibigkas bilang /eu/. Hindi "e", hindi rin "u". Ngunit "ə".
ㅓ - binibigkas bilang /eo/. Hindi "e-o", ngunit "ǒ".
Ito naman yung unang mga katinig na ituturo ko:
ㅁ – katunog ng /m/.
ㄴ – katunog ng /n/.
Bakit ito lang muna ituturo ko? Kase ito lang ang katinig na hindi naka impit ngunit walang pagpalit ng tunog. Ating sabihing isusulat mo ang pantig na ‘
ㅁ + ㅏ = 마
Napunta yung patinig na ㅏ sa kanan ng katinig dahil sa ating Panuntunan #3. Kung kaya’t paano naman kapag isusulat natin ang pantig na "no"?
ㄴ + ㅗ = 노
Bakit napunta sa ilalim ang ㅗ? Dahil sa Panuntunan #3. Na mapupunta sa ilalim yung patinig kapag pahalang, pero kapag ang patinig ay patindig mapupunta ang patinig sa kanan. Paano naman kapag isusulat natin ang pantig na "a"? Wala itong patinig? At ating malalabag ang Panuntunan #1, na dapat ay magsimula sa katinig ang isang pantig? Mula rito meron tayong ginagamit na walang tunog na katinig at ito ang: ㅇ. Wala itong tunog subalit ginagamit bilang katinig. Ngayun pwede na natin isulat ang "a".
ㅇ + ㅏ = 아
Paano naman kapag tatluhan ang isusulat natin? Halimbawa "mon".
ㅁ + ㅗ = 모
Yung pangalawang katinig ay ilalagay sa ilalim, kung kaya’t magiging:
모 + ㄴ = 몬
Papaano naman isulat ang "ya", "ye", "yo", atbp. Habang ang "y" na katinig ay wala sa Korean? Dagdagan mo lang ng isang guhit ang patinig. Guhit? Ang tawag ditto ay y-vowels.
ㅏ = a, ㅑ = ya
ㅔ = e, ㅖ = ye
ㅗ = o, ㅛ = yo
ㅜ = u, ㅠ = yu
ㅐ = ae, ㅒ = yae
ㅓ = eo, ㅕ = yeo
Bakit walang y-patinig version ang ㅡ at ㅣ? Kase wala silang ganyang tunog na ginagamit sa kanilang mga salita. Kung kaya’t bukod sa y-vowels meron din tayong tina-tawag na diptonggo o tambalang patinig.
ㅗ + ㅏ= ᅪ
Hindi ba’t kapag binanggit mo yung "o" at "a" na mabilis ay nagiging "wa" ang resulta? Ito pa ang ibang tambalang patinig:
ㅗ + ㅣ= ᅬ binibigkas bilang "we"
ㅗ + ㅐ= ᅫ
ㅜ + ㅣ= ᅱ
ㅜ + ㅓ= ᅯ
ㅡ +ㅣ=ᅴ
Naririto naman ang ilan panghalimbawa sa paggamit ng tambalang patinig:
ㄴ + ᅪ = 놔[nwa]
ㄴ + ᅪ + ㅁ = 놤[nwam]
Tayo’y tapos na ngayon sa patinig, tayo nama’tatalakayin ang tungkol sa katinig at sound shifting o ang pagbabago ng tunog.
Mga letra |
Inisyal na tunog |
Unahang tunog |
Tunog sa hulihang posisyon |
ㅂ |
p |
b |
p |
ㄷ |
t |
d |
t |
ㄱ |
k |
g |
k |
ㅅ |
s |
s |
t ( depende sa susunod ng letra ) |
ㄹ |
r |
r |
l |
ㅇ |
*wala |
*wala |
ng |
Sa ibaba naman makikita ninyo ang mga katinig na hindi nagkakaroon ng pagbabago sa tunog.
ㅎ = ang tunog ay gaya sa 'h'
ㅋ = ang tunog ay gaya sa 'k'
ㅌ = ang tunog ay gaya sa 't'
Sa ibaba ay ang link ng iba pang mas inpormadong talakayan ukol dito:
Hangul