이다 ito ay pandiwa na
sa Tagalog ay nangangahulugang “ay” o sa wikang Ingles naman ay “to
be”. Ang pandiwang ito, hindi gaya sa ibang pandiwa ginagamitan ng paksa
at bagay, ang pandiwang ito ay ginagamitan lamang ng paksa at ang bagay ay
idinudugtong sa dulo ng pandiwang ito. Upang magamit ang pandiwang 이다 kailangang sundin ang pagkakasunod-sunod na:
[paksa] 은/는
[pangngalan] 이다.
Halimbawa:
저는 선생님이다. = Ako ay guro.
그녀 학생이다. = Siya ay mag-aaral.
Tandaan
bagama’t ang mga pangungusap sa itaas ay hindi nakabanghay ito’y
walang antas ng pagka-pormal at pag-galang. Naririto ang mga panuto sa
pagbabanghay ng pandiwang ito.
Pangkasalukuyang Di-pormal na Mababang Paggalang
Dugtungan
ng ~이야 ang mga pangngalang nagtatapos sa katinig, o
di kaya’y ~야 naman sa mga nagtatapos sa patinig. Halimbawa:
나는 학생이야 = Ako ay
estudyante.
나는 의사야 = Ako ay doktor.
Pangkasalukuyang Di-pormal na Mataas na Paggalang
Dugtungan ng ~이에요 ang mga pangngalang nagtatapos sa
katinig, at ~예요 sa mga
salitang nagtatapos sa patinig. Halimbawa:
저는 학생이에요. = Ako ay isang estudyante.
저는 의사예요. = Ako ay isang doktor.
Pangkasalukuyang Pormal na Mataas na Paggalang
Lahat
ng pangngalan ay dagdagan ng ~입니다 (~이 + ~ㅂ니다).
Halimbawa:
저는 학생입니다 = Ako ay
estudyante.
저는 의사입니다 = Ako ay doktor.
Pangnagdaang Di-pormal na Mababang
Paggalang
Dugtungan
ng ~이었어 ang lahat ng pangngalan, kung ito nama'y nagtatapos sa patinig
maaaring ~였어 ang gamitin. Halimbawa:
나는 학생이었어 = Ako noo'y estudyante.
나는 의사였어 = Ako noo'y doktor.
Pangnagdaang Di-pormal na Mataas na
Paggalang
Dugtungan
ng ~이었어요 ang lahat ng pangngalan, kung ito nama'y nagtatapos sa patinig
maaaring ~였어요 ang gamitin. Halimbawa:
나는 학생이었어요 = Ako noo'y estudyante.
나는 의사였어요 = Ako noo'y doktor.
Pangnagdaang Payak na Anyo
Ito ay
kadalasang ginagamit sa pagsulat ng mga diyaryo o nama'y tala-arawan. Imbis na ~어(요) ang ilagay, ~다 ang
idinadagdag. Halimbawa:
나는 학생이었다 = Ako noo'y estudyante.
나는 의사였다 = Ako noo'y doktor.
Pangnagdaang Pormal na Mataas na
Paggalang
Dugtungan
ng ~이었습니다 ang lahat ng pangngalan ngunit kung ito'y nagtatapos sa patinig
maaaring ~였습니다 ang idugtong. Halimbawa:
저는 학생이었습니다 = Ako noo'y estudyante.
저는 의사였습니다 = Ako noo'y doktor.
Tapos na
tayo sa pagkasalukuyan at pangnagdaan, papaano naman sa panghinaharap? Sa
panghinaharap iba naman ang pamamaraan ng pagbabanghay. Di gaya sa normal na
pandiwa ginagamitan ng ~겠~. Sa situwasyong
ganito ang ginagawa ay, una kunin ang ugat na salita ng pandiwa, pangalawa,
kapag ang ugat ay nagtatapos sa patinig ito’y dinudugtungan ng ~를 kapag
naman sa katinig ~을 ang idinadagdag, at panghuli dinadagdag ang ~것 이다. Halimbawa:
나는 먹을 것이다 = Ako ay magiging bagay na kakain. ( Sa Korean ito’y
nangangahulugang “Ako ay kakain.” )
Papaano
naman sa salitang “magiging”? Sa Korean ginagamit ang pandiwang 되다 na nangangahulugang
“magiging.” Halimbawa:
나는 선생님이 될 거야. =
Magiging guro ako.
Tandaan
sa paggamit ng 되다, imbis na ~를/을 ang ginagamit, ang ginagamit ay ~이/가. Sa mga susunod na aralin natin ito
tatalakayin.