Talasalitaan:
Tagalog |
Korean |
kami |
우리 |
kanin |
밥 |
tinapay |
빵 |
tinda |
팔다 |
ikaw (
di-pormal ) |
너 |
papa |
아빠 |
ako (
di-pormal ) |
저 |
kaibigan |
친구 |
ina |
어머니 |
kain (
pandiwa ) |
먹다 |
magkasama |
함께 |
magkasama |
같이 |
Ang
~과/와, ~랑/이랑, at ~하고 ay inilalagay sa
gitna ng isa o mas marami pang mga pangngalan upang mangahulugang “at”.
Ang 과 at 이랑 ay idinudugtong sa mga pangngalang nagtatapos sa katinig,
samantalang ang 와 at 랑 ay idinudugtong naman sa mga pangngalang nagtatapos sa patinig.
Ang ~하고 nama’y idunudugtong sa pangngalan nagtatapos man ito sa
patinig o katinig. Halimbawa:
우리는 밥과 빵을 팔아요 = Kami ay
nagtitinda ng kanin at tinapay.
우리는 밥이랑 빵을 팔아요 = Kami ay
nagtitinda ng kanin at tinapay.
우리는 밥하고 빵을 팔아요 = Kami ay
nagtitinda ng kanin at tinapay.
Bagama’t
ito’y nangangahulugang “at” kung inilalagay sa gitna ng mga
pangngalan, ito nama’y mangangahulugang “kasama” kung walang
pangngalan sa dulo. Halimbawa:
너와… =
kasama ka…
아빠랑… =
kasama si papa…
Halimbawa sa pangungusap:
저는 친구와 집에 갔어요. = Ako at ang ( aking ) kaibigan ay pumunta sa bahay.
Pwede
ring gumamit ng dalawa o mas marami pang mga pangngalan na dinudugtungan ng mga
nabanggit. Halimbawa:
저는 밥을 친구랑 저의 어머니랑 먹었어요. = Ako ay kumain ng kanin kasama ang kaibigan
at aking nanay.
Maari
ring gamitin ang 함께 at 같이 upang makabuo ng kahulugang “magkasama”. Halimbawa:
우리는 빵을 같이 먹었어요. = Kami ay kumain ng tinapay magkasama.
우리는 빵을 함께먹었어요. = Kami ay kumain ng tinapay
magkasama.
Paalala:
·
Ang ~하고 ay mas kadalasang
ginagamit sa hindi kolokyal na lengwahe bagama’t mas pormal.
·
Ang ~과/와 ay kadalasang sa sulat na pananalita ginagamit.
·
Ang ~랑/이랑 ay ngunit ito’y di-pormal.