Ang mumo o particle sa wikang Ingles na 도 ay may ibig sabihin
na “din” o “rin”
sa wikang Korean. At ito ay maaaring gamiting pamalit sa
mumo na ginagamit
sa pagmarka ng paksa o bagay
sa isang pangungusap. Halimbawa:
저는 밥을 먹어요 = Ako ay kumakain
ng kanin.
저도 밥을 먹어요 = Ako din ay kumakain
ng kanin. (Bukod sa
ibang tao…)
저는 밥도 먹어요 = Ako ay kumakain
din ng kanin. (Bukod sa
ibang pagkain…)
Kung mapapansin, ang ibig sabihin ng
pangungusap ay nagbabago depende sa ginamitan kung ito
man ay paksa o bagay ng pangungusap.