Talasalitaan:
Tagalog |
Korean |
mama |
엄마 |
kain |
먹다 |
hindi |
안 |
Ang pagsasalungat ng panaguri sa isang pangungusap ay pagbuo ng isang negatibong
pangungusap. At ito ay mayroong dalawang paraan sa
pagbuo nito. Una, ang paggamit
ng pangabay na 안 na nangangahulugan “hindi”. Pangalawa ang paggamit ng pandiwang ~지 않아.
Ang paggamit ng pangabay na 안
Sa
Aralin 9 ay tsaka pa lamang natin matatalakay
ang tungkol sa mga
pang-abay, ganumpaman ang lahat ng
pang-abay sa pangungusap sa Korean ay maaaring kahit saan na lamang
itong ilagay ngunit kadalasan ay ito ay inilalagay bago ang panaguri
ng pangungusap o sa unahan ng
pangungusap. At ang
안 ay isang pang-abay. Halimbawa:
엄마가 먹어요. = Si mama
ay kumakain.
엄마가 안 먹어요. = Si mama
ay hindi kumakain.
Ang paggamit ng pandiwang ~지 않아
Ang pandiwang ito ginagamitan ng kombinasyong pandiwa, ito ay dinudugtungan ng ugat ng pandiwang
sinasalungat nito, at saka binabanghay. Halimbawa:
엄마가 먹어요. = Si mama
ay kumakain.
엄마가 먹지 않아. = Si mama ay hindi
kumakain.