Aralin 1 - Batayang estruktura ng pangungusap sa Korean

Bago natin talakayin ang araling ito, atin munang alamin ang mga sumusunod:

 

Paksa - Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles ang Simuno) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.

Bagay – Ito ang entitidad na kinikilusan ng paksa.

Panaguri - Ang panaguri (Ingles: predicate ) ay isang bahagi ng pangungusap o pananalita. Ang panaguri ay isa sa dalawang pangunahing bahagi ng pangungusap kasama ang simuno o paksa (subject).

Pang-uri  - Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.

Pandiwa - Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad, takbo, dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral). Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.

 

Kadalasan ang pagkakasunod-sunod ng pangungusap sa Korean ay:

Paksa-Bagay-Pandiwa o Paksa-Pandiwa

Kung ang panaguri naman ng pangungusap ay pang-uri, ang pangungusap ay dapat walang bagay:

Paksa-Pang-uri

 

Ito ang halimbawa ng pangungusap sa Tagalog:

Ako ay kumakain ng kanin.

 

Ang paksa ay "Ako" at ang bagay ay "kanin" ang pandiwang pumapanaguri ay "kumakain"pangkasalukuyan ng kain na word. Kung kaya’t ang pagkaka-ayos ng pangungusap na ito sa Korean ay:

Ako-kanin-kumain

 

At ito pa ang isang halimbawa ng pangungusap na ang panaguri ay pang-uri:

Maganda ka.

 

Ang paksa ay "ka" at ang pang-uri ( dahil ang maganda ay naglalarawan ) ay "maganda", ang pagkaka-ayos nito sa Korean ay:

Ikaw-Maganda.

( Paksa-Pang-uri )

 

Ganumpaman, sa Korean kapag ang paksa ay nagtatapos sa patinig( a,e,i,o,u ) dinadagdagan ng . Halimbawa, ang salitang ( ibig-sabihin ay  “Ako" o ang unang persona ) ay nagtatapos sa patinig kung kaya’t kapag paksa ito sa isang pangungusap ito’y magiging 저는 datpwa’t kapag sa katinig naman nagtatapos ang isang paksa dadagdagan ito ng halimbawa ang salitang ( ibig sabihin ay kanin ) kapag ito ay paksa sa isang pangungusap magiging 밥은.Sa bagay naman kapag ito ay nagtatapos sa patinig, ang idadagdag at para sa mga katnig ay Kaya ngayon pwede na tayong gumawa ng pangungusap sa Korean (ganumpaman ay hindi nakabanghay ang panaguri nito ).

 

저는 밥을 먹다= Ako’y kumain ng kanin.

 (Akokaninkumain)

 

Ang먹다 ay ang hindi nakabanghay na ang ng salitang  "kain" ( pandiwa ). Minsan ang pangungusap ay walang bagay sa kadahilanang ang pangungusap ay maaaring maging:

 

저는 먹다= Kumakain ako.

(Akokain)

 

Narito naman ang isang halimbawang pang-uri ang panaguri:

저는 있다= Meron ako.

(Akomeron)

*Ang 있다ay maaring pandiwa o pang-uri na maaring ibig sabihin ay "meron" o "nandun”, atbp.

 

Nawa’y tandaan ang mga halimbawa sa araling ito ay hindi nakabanghay. Ano ba ang pagbabanghay? Ito ay ang pagbabago ng ugat na salita upang makabuo ng salitang pangkasalukuyan, pangnagdaan, at panghinaharap. Ang pagbabanghay sa Korean ay dinadagdagan ng pagkamagalang. May tatlong uri ito, ito ay ang mga sumusunod:

1.      Di-pormal na Mababang Paggalang - ginagamit ito ng mga Korean kapag nakikipagusap sa kaibigan o sa mga malapit na tao.

2.      Di-pormal na Mataas na Paggalang – kagaya rin ito ng sa blg.1 sublait dito naman ay nagpapakita ng paggalang.

3.      Pormal na Mataas na Paggalang - ito ang pinakamataas na respetong ginagamit ito sa amo, lolo, lola, et cetera.

« Nakaraan Kasunod »