Aralin 11 - Paano sabihin ang "ikaw"?

                Sa katotohanan, ang pagsabi ng “ikaw” sa Korean ay napaka-bihira hindi gaya sa Tagalog datapwa’t mayroong salitang katumbas ang salitang “ikaw” sa Tagalog at ito ay ang ang salitang ito ay di-pormal at ginagamit sa mga di-pormal na situwasyon. Kung ganoon, paano natin sasabihin ang “ikaw” sa pagbuo ng pangungusap. Ang mga sumusunod ang mga pamamaraan ng pagsabi ng “ikaw”.

1.       Bukod sa salitang ang salitang 당신 ay nangangahulugan ding “ikaw” bagama’t ito nama’y ginagamit naman sa ikalawang personang hindi mo kakilala, hindi alam ang katayuan sa buhay. Ito ay ginagamit sa pormal o di –pormal na situwasyon.

2.       Sa mga hindi kakilala at hindi rin kadugo maaaring gamitin ang 아줌마 para sa babae at 아저씨 naman para sa lalake.

3.       Kung ika’y malapit sa isang tao maaari mo silang tawaging 오빠 kung sya’y mas matanda sayo lalake sya at babae ka, naman kung lalake ka at lalake ang tatawagin mo at mas matanda sya sayo, 언니 naman kung babae ang tatawagin mo at babae ka na mas matanda sya sayo, 누나 naman kung mas matanda sayo ang babaeng tatawagin mo at lalake ka.

4.       Sa pamilya mo maaari mong gamitin ang mga salitang pamalit sa katayuan nila, halimbawa, 엄마 para sa nanay, 아빠 naman para sa tatay.

« Nakaraan Kasunod »