Talasalitaan:
Tagalog |
Korean |
ako(pormal) |
저 |
salita
(pandiwa) |
말하다 |
kami |
우리 |
pumunta at
pumasok |
들어가다 |
bahay |
집 |
siya (lalake) |
그 |
lingkod
(pandiwa) |
봉사하다 |
Ano ba ang
pang-abay?
-Ang mga pang-abay ay maaaring palaging ginagamit upang baguhin
ang mga pandiwa.
-Sa wikang Ingles, kadalasan ang mga pang-abay ay nagtatapos sa “-ly”,
halimbawa, “quickly”, ngunit hindi lahat.
-Ang isang
pang-abay ay maaaring gamitin upang baguhin ang isang pang-uri at patindihin
ang kahulugan nito.
Ang mga pang-abay ay may iba’t
ibang uri. At ito ang mga sumusunod:
-Pamanahon
- Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang
kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang
pananda, at nagsasaad ng dalas.
-Panlunan
- Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar
kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan
ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay
tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.
-Pamaraan
- Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano
naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit
sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng.
-Pang-agam
- Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan
ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga
pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa.
-Panang-ayon
- Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang
mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pang halimbawa.
Halimbawa ay "Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan."
-Pananggi
- Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o
pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw.
-Panggaano
o pampanukat - Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay
nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa
tanong na gaano o magkano ang halaga.
-Pamitagan
- Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasaad ng paggalang.
-Panulad -
Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay.
Sa
katotohanan ang isang pang-uri ay maaaring gawing pang-abay, sa pamamagitan ng
pagpalit ng 다 patungong 게 at 히 naman para sa 하다, halimbawa:
Pang-uri |
Pangabay |
평화롭다(payapa) |
평화롭게(mapayapa) |
무섭다(takot) |
무섭게(makilabot) |
솔직하다(tapat) |
솔직히(matapat) |
Ang
pang-abay ay maaaring ilagay sa kahit saang posisyon sa isang pangungusap.
Halimbawa:
저는 평화롭게 말했어요. = Ako ay nagsalita ng mapayapa.
우리가 집에 무섭게 들어갔어요. = Kami ay pumasok sa bahay nang takot.
그는 솔직히 봉사하다. = Siya ay matapat na naglilingkod.
Hindi
lahat ng pang-uri ay maaaring gawin ito mayroong iba na hindi, halimbawa ang 많다
(marami) ang anyo nitong pang-abay ay 많이. Ganumpaman naririto ang talaan ng iba pang pang-abay:
Tagalog |
Korean |
kahapon |
어제 |
ngayong araw |
오늘 |
bukas |
내일 |
ngayun |
지금 |
tapos |
그때 |
kanina |
나중에/후에 |
ngayong gabi |
오늘밤 |
sa oras na
ito |
바로 지금 |
nakaraang gabi |
지난 밤 |
nitong umaga |
오늘 아침 |
susunod na
linggo |
다음 주 |
na ( nangyari
na ) |
이미 |
nakaraan |
최근에 |
kanikanina |
최근에/얼마 전에 |
sa susunod |
곧 |
mabilisan |
바로/즉시 |
pa rin |
아직도 |
hindi pa |
아직 |
bago |
전에 |