Talasalitaan:
Tagalog |
Korean |
Ako(di-pormal) |
나 |
Ako(pormal) |
저 |
Kanin |
밥 |
Mama |
엄마 |
Cherry
blossoms |
벚꽃 |
Nobya |
여자친구 |
Tao |
사람 |
Ito |
이 |
Bagay |
것 |
Ikaw(di-pormal) |
너 |
Iyun |
그 |
Lagi |
항상 |
Siya(lalake) |
그 |
Siya(babae) |
그녀 |
Luto(pandiwa) |
요리하다 |
Bili |
구매하다 |
Impake |
싸다 |
Salita |
말하다 |
~을/를 위해(서)
Ito ay idinudugtong sa isang panglangan upang makabuo ng kataga o pariralang nangangahulugang “para sa/kay…” o “para/ukol sa…”. Kapag ang pangalang dudugtungan nito ay nagtatapos sa patinig ito ay dinudugtungan ng ~를 위해(서), ngunit kapag ang pangngalang dudugtungan nito naman ay nagtatapos sa katinig ito’y dinudugtungan ng ~을 위해(서). Minsan ang paglagay ng 서, ay hindi na ginagawa sa kolokyal na pananalita. Halimbawa:
저는 밥을 엄마를 위해(서) 요리해요. = Ako ay nagluluto ng kanin para kay mama.
나는 벚꽃을 여자친구를 위해 구매해 = Bumili ako ng mga cherry blossoms para sa aking nobya.
나는 어떤 사람을 위해(서) 이것을 썼어 = Isinulat ko ito para sa
isang tao.
~에 대해
Ito nama’y nangangahulugang “tungkol sa…” o “hinggil sa…”, idinudugtong din ito sa mga pangngalan upang makabuo ng parirala. Halimbawa:
너에 대해 = Tungkol sayo
그것에 대해 = Tungkol sa bagay
na iyun.
그는 항상 그녀에 대해 말해요. = Siya(lalake) ay laging nagsasalita/nagkwekwento tungkol sa kanya(babae).