Talasalitaan:
Tagalog |
Korean |
Kain |
먹다 |
Meron; nandun |
있다 |
Punta |
가다 |
Tignan |
보다 |
Tinda(pandiwa) |
팔다 |
Gawin |
하다 |
Wala; Wala
dun |
없다 |
Ganda(pandiwa) |
예쁘다 |
Iyun |
그 |
Iyun (mula sa
ibang kaugnay na kahulugan ) |
저 |
Ako
(di-pormal) |
나 |
Ikaw
(di-pormal) |
너 |
Dito |
여기 |
Mama |
엄마 |
Tatay |
아버지 |
Pelikula |
영화 |
Tao |
사람 |
Guro |
선생님 |
Nobya (
kasintahan ) |
여자친구 |
Mansanas |
사과 |
Sa Korean ang pagtatanong ay maraming paraan, at isa sa mga ito ay ang pagbaluktot ng tono ng deklarasyong pangungusap sa patanong. Halimbawa:
어머니는 먹어 = Si mama ay kumain.
At
kapag ang tono nito ay ginawang
patanong nagiging tanong din ito, ito ay ginagawa din sa Tagalog,
English atbp. Halimbawa:
어머니는
먹어? = Kumain si mama?
Ganumpaman marami din tayong mga pang-abay na maaaring gamitin sa mga pangungusap na interogasyon o patanong:
Tagalog |
Korean |
Sino |
누구 |
Bakit |
왜 |
Kailan |
언제 |
Saan |
어디 |
Ang mga pang-abay na pang-interogasyon ay kadalasang ginagamit sa unahan ng pangungusap o di kaya naman ay bago ang panaguri nito. Halimbawa:
언제 어머니는 먹어? = Kailan kumain si
mama?
누구 있어? = Sinong nanjan?
왜 넌 갔어? = Bakit ka umalis?
너는 어디 가겠어요? = Saan ka pupunta?
Mataas na pormal na galang
sa interogasyon
Gaya
sa pagbuo
ng simpleng pangungusap mayroong mga uri ng
paggalang, sa mga interogasyong pangungusap ay ganoon din. Dito ang panaguri
ay dinudugtungan ng ~습니까 kung ito’y nagtatapos
sa katinig ang ugat na
salita at ~ㅂ니까 naman para sa mga nagtatapos
sa patinig. Halimbawa:
너는 어디 갑니까? = Saan ka pupunta?
언제 아버지는 먹습니까? = Kailan kakain si papa?
Mababang di-pormal na
galang sa interogasyon
Kung sa pagbabanghay ng pangkasalukuyan ang inilalagay ay 어 or 아, sa pagtatanong naman ang nilalagay ay 니. Halimbawa:
있다→
있니? = Meron ka?
Sa pangnagdaan naman ay 했니 ang idinudugtong kapag ang ugat ng pandiwa ay nagtatapos sa 하다, at 었니 naman kapag ang last patinig ng verb ay hindi ㅗ or ㅏ, at 았니 naman kapag ang ugat ng pandiwa ay nagtatapos sa ㅗ or ㅏ. Halimbawa:
영화를 봤니? = Nakita mo ba ang pelikula?
Sa panghinaharap naman ang idinudugtong
ay 겠니 sa dulo ng ugat ng pandiwa.
Halimbawa:
영화를 보겠니? = Papanoorin mo ba ang pelikula?
Mataas na di-pormal
na galang sa interogasyon
Gaya ng ‘~니’, pwede mo idugtong sa dulo ng ugat ng pang-uri ( o pang-diwa ) ang ~ㄴ/은가(요). Ang pagdagdag ng “요” ang nagpapa-pormal sa pangungusap. Ang ~ㄴ가(요). ay idinadagdag sa mga ugat na salita ng mga pang-uring nagtatapos sa patinig, at ~은가(요) naman ay idinudugtong sa mga ugat na salita ng pang-uring nagtatapos sa katinig. Halimbawa:
예쁘다→ 예쁜가(요)? = Maganda?
Ginagamit din ito minsan sa pandiwang “이다”. Halimbawa:
그 사람이 선생님인가? = Guro ba ang taong iyon?
저 사람이 너의 여자친구인가요? = Kasintahan mo ba ang taong iyon?
Sa
pandiwa naman ginagamit ang, ~나(요) kung saan ang 요 ay ginagawang
pormal ang pangungusap. Halimbawa:
사과도 여기서 팔나요? = Nagbebenta ka rin ba ng mansanas
dito?
트와이스
콘서트를 여기서 하나요? = Dito ba ang concert ng Twice?
Ganumpaman,
ito ay ginagamit kadalasan sa mga pandiwang 없다 at 있다.
Tandaan, sa Korean kapag ang pangungusap ay patanong at walang paksa, kusa na “ikaw” ang paksa nito, at kung wala namang bagay kusa na “ako” ito.