Sa Tagalog ang sukdulan ay kadalasang ginagamitan ng pinaka-, ang at ang paghahambing naman ay mas. Ang mga pangungusap ng paghahambing at sukdulan ay:
· Ako ay may mas maraming pera.
· Ako ay may mas kaonting pera.
· Ako ay may pinakamaraming pera.
더 – Mas marami
Ito ay isang pang-abay na ginagamit sa isang pangungusap upang makagawa
ng salitang nangangahulugan ang paksa ay may mas maraming bilang ng bagay ng/sa
pangungusap. Gaya ng ibang pang-abay na maaaring ilagay sa unahan ng
pangungusap o di kaya’y bago ang panaguri. Kadalasan itong inilalagay
bago ang panaguri. Halimbawa:
나는 돈이 있어 → 나는 돈이
더 있어 = Ako ay
may mas maraming pera.
덜 - Mas kaunti
Kabaligtaran naman nito ang 더 dahil ito nama’y
nangangahulugang “mas kaunti”. Ang paggamit nito ay gaya din sa 더.
Halimbawa:
나는 돈이 덜 있어 → 나는 여동생보다
돈이 덜 있어 = Ako ay may mas kaunting pera.
Pagkumpara
gamit ang ~보다
Ang
~보다 na ito ay hindi ang pandiwang ~보다 na
nangangahulugang “tingin”. Ito ay ginagamit bilang mumo na kung
saan ay tinatawag na substantibong kaso o “substantive case”.
Halimbawa:
나는 나의 여동생보다 돈이 더 있어 = Ako ay may mas
maraming pera kaysa sa aking nakakabatang kapatid na babae.