Notice: The originally author of this site had passed away.

Please kindly contact the co-administrator for concerns.

Annyeong!

Ang website na ito ay tamang lugar upang matuto ng Korean language online sa walang presyong kapalit. Ang mga nilalaman, lalong lalo na ang mga artikulo rito ay mayroong copyright sa maykatha at sa KLT101

Halina't sumali Tungkol samin Latin to Hangul


Saligang mga aralin

Aralin 0 - Paanong magsulat sa Hangul?

Sa araling ito matututo kang magsulat sa Hangul at iba pang bagay na ukol dito rito. Ang Hangul ay ang alpabetong ginagamit sa Korean sa kasalukuyang panahon. Ito ay ginawa sa panahon ng Sejong Dynasty bandang ika-15 siglo.

Basahin ang artikulo »

Aralin 1 - Batayang estruktura ng pangungusap sa Korean

Ang araling ito ay tumatalakay sa batayang estruktura ng pangungusap sa Korean. Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.

Basahin ang artikulo »

Aralin 2 - Pagbabanghay ng pandiwa

Sa araling ito iyong matutunan ang pagbabanghay ng mga pandiwa o salitang galaw. Ang mga pagbabanghay na tinatalakay rito ay may tatlong panahunan; ang pangnagdaang panahunan, ang kasalukuyang panahunan, at ang panghinaharap.

Basahin ang artikulo »

Aralin 3 - Mga lugar

Dito ating tatalakayin ang tamang paggamit sa mga salitang tumutukoy sa lugar at kung papaano ito gamitin sa isang pangungusap, at sa araling ito tinatalakay rin ang patungkol sa mga pang-ukol na batay sa pang-araw-araw na ginagamit.

Basahin ang artikulo »

Aralin 4 - Ang mumong ~도

Sa araling ito natin tatalakayin ang paggamit sa mumong 도 ( particle 도 ) na ang ibig sabihin ay rin o din na ginagamit kasama ang pangalan na tinutukoy nito, maaaring direktang paksa/bagay o pahilig na bagay.

Basahin ang artikulo »

Aralin 5 - Pagpapasigla ng pangngalan

Dito ating ipagpapatuloy ang paglalakbay sa lengwahe ng Korean at ating tatalakayin ang tungkol sa pagpapasigla ng pangalan gamit ang pang-uri. Ito ay tinatawag na animacy sa wikang Ingles.

Basahin ang artikulo »

Aralin 6 - Mapagkawangalang panghalip

Sa araling ito ating pagaaralan ang pananakop ng isang persona sa isang bagay. Sa pamamagitan ng paggamit ng mumo, ang 의. Sa wikang Ingles ito ay tinatawag na "possesive marker(s)".

Basahin ang artikulo »

Aralin 7 - Pagkakaiba ng ~에 at ~에서

Atin ditong tatalakayin ang pagkakaiba ng dalawang mumo, ang ~에 at ~에서 na parehas ginagamit upang tukuyin ang lugar na pinagganapan sa nasabing pangungusap na inilalahad.

Basahin ang artikulo »

Aralin 8 - ~만, ang mumong "tangi"

Gaya ng ~도 ito ay mumo na ginagamit kasama ang pangngalan na ginaganapan, ngunit ang ibig nitong sabihin ay "tangi", "lang", "lamang". At ito ay ginagamit bilang pang-abay sa pangungusap.

Basahin ang artikulo »

Aralin 9 - Pagsalungat ng panaguri

Ito ay tinatawag na Predicate Negation sa wikang Ingles. Ito ay isinasagawa upang gawing negatibo ang panaguring ginamit sa isang pangungusap.

Basahin ang artikulo »

Aralin 10 - Simulain sa alpabetong Hanja

Ang Hanja ay hiram na kaligrapya mula sa bansang Tsina at ito rin ay ginamit sa lengwahe ng Korean, bagama't hindi na ito kadalasang gamit ito ay mahalaga paring matutunan.

Basahin ang artikulo »

Aralin 11 - Paano sabihin ang "ikaw"?

Hindi gaya sa Tagalog meron tayong mga salitang ginagamit bilang pamalit sa pangngalan ng ikalawang persona, ang "ikaw" para sa isa at "kayo" naman para sa pangmarami.

Basahin ang artikulo »

Aralin 12 - Mga pang-abay

Mayroong siyam na mga uri ng pang-abay: pamanahon, panlunan, pamaraan, pang-agam, panang-ayon, pananggi, panggaano (tinatawag ding pampanukat), pamitagan, at panulaad. Ang pang-abay ay ang mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at sa kapwa pang-abay.

Basahin ang artikulo »

Aralin 13 - "para/ukol sa..." at "hinggil sa..."

Ang araling ito ay tatalakay sa mga 'di direktang sugnay na patungkol o kumokonekta sa pangunahin o direktang sugnay ng naturang pangungusap sa mga pasubaling pandiwa.

Basahin ang artikulo »

Aralin 14 - Mga interogasyong pangungusap

Sa araling ito ating matutunan ang paggawa o pagbuo ng mga pangungusap na nagtatanong at naguusisa ng mga bagay-bagay na patungkol rito.

Basahin ang artikulo »

May kababaang kalagitnaang mga aralin

Aralin 15 - Ang pandiwang 이다 "maging"

Ang 이다 ay isang payak na anyo ng pandiwang "maging" o "to be" sa wikang Ingles. Ito rin ay isa sa mga karaniwang pandiwa sa wikang Korean.

Basahin ang artikulo »

Aralin 16 - Paghahambing at sukdulan

Sa wikang Ingles ito ay tinatawag na comparative and superlative kung saan ang pangungusap ay naghahambing ng isa o mas marami pang bagay sa pamamagitan ng pang-uri.

Basahin ang artikulo »

Aralin 17 - ~과/와, ~랑/이랑, at ~하고

~과/와, ~랑/이랑, at ~하고 ang mga salitang ginagamit upang makabuo ng ibig sabihing "at" at/o "o" kasama ang mga pangngalan.

Basahin ang artikulo »